Buod Nga Kabanata 22
Buod nga kabanata 22 Kabanata XXII Liwanag at Dilim Buod Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria Clara sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis siyang kinagigiliwan ng mga ito. Sa mga taga-San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi. Lalong pinag-usapan si Maria Clara, nang dumating si Crisostomo Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria Clara na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ng dalaga sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating mga kababata sa bayan. Ipinakiusap ni Maria Clara sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwin...
Comments
Post a Comment