Ano Ang Kahulugan Sa Bandila Ng Japan?
Ano ang kahulugan sa bandila ng japan?
Ang bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang bandila o watawat. Ang mga ito ay may espesyal na simbolo o kahulugan na nagpapakilala sa kultura at paniniwala ng bansang sinasagisag nito. Tayo ay magpokus sa bansang Japan. Ano ang kahulugan sa bandila ng Japan? Ano ang sinisimbulo ng watawat ng Japan? Ano ang kahulugan ng watawat ng Japan? Ano ang sagisag ng mga kulay ng watawat ng Japan?
Ang bandila ng Japan ay isang pahabang parisukat na kulay puti at may bilog sa gitna na kulay pula. Ito ay isa mga watatwat sa mundo na madaling tandaan dahil sa simple nitong disenyo. Ito ay mas kilala sa Japan sa tawag na Hinomaru. Ang kahulugan nito ay "circle of the Sun" o "pagsikat ng araw" sa tagalog. Ang watawat ng Japan ay sumisimbolo sa palayaw ng kanilang bansa na "Land of the Rising Sun". Ito rin ay nagpapahayag ng pagiging mapagmahal sa bansa ng mga Hapon. Ang bandila ng mga Hapon ay madalas nilang gamitin sa mga okasyon o kumpetisyon na kung saan ito ay kanilang iwinawagayway at itinataas.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan, simbolo, at sagisag ng bandila ng Japan, maaaring pumunta sa mga pahinang ito: brainly.ph/question/959225
Comments
Post a Comment